ANCHORAGE SCHOOL DISTRICT
ANCHORAGE, ALASKA
ASD MEMORANDUM #73 (2024-2025) DISYEMBRE 03, 2024
PARA SA: LUPON NG PAARALAN
MULA kay: DR. JHARRETT BRYANTT, SUPERINTENDENTE
PAKSANG-ARALIN: MGA REKOMENDASYON SA RIGHTSIZING NG ASD
PANGUNAHING PAGPAPAHALAGA ng ASD: Ang Distrito ay magiging bukas, tapat at may pananagutan sa publiko.
REKOMENDASYON:
Rekomendasyon ng Administrasyon na aprubahan at pahintulutan ng Lupon ng Paaralan ang Superintendente na ipatupad ang pagsasara ng mga sumusunod na paaralan sa pagtatapos ng 2024-2025 taon ng pag-aaral, upang iayos ang Rightsizing ng imprastraktura ng Distrito: Mga Paaralang Elementarya ng Baxter, Fire Lake, Lake Hood, at Nunaka Valley. Bawat isa sa apat na gusali ay gagamitin para sa isang kasalukuyang ASD charter school.
MAHAHALAGANG MGA KATOTOHANAN:
Ang 西施直播APP School District ay nakaranas ng pagbaba ng pagpapatala sa loob ng maraming taon, ngunit hindi nito binawasan ang imprastraktura nang naaayon. Mula noong 2010, ang pagpapatala ng ASD ay bumaba ng 6,453 na bilang ng mag-aaral, o bumaba ng 13%. Ang kanyang pagbaba ay ang resulta ng pangkalahatang pag-alis sa Munisipalidad ng 西施直播APP kasama ng pagbaba sa mga bilang ng kapanganakan sa buong lungsod. Sa itaas ng kabuuang pagbaba, sa parehong panahon, ang pagpapatala sa mga correspondence schools ay tumaas ng 118%, na higit na nagpababa sa bilang ng mga mag-aaral na tumatanggap ng pagtuturo sa mga gusali ng paaralan ng Distrito bawat araw.
Sa nakalipas na dekada, isinara ng ASD ang Mt. Iliamna sa JBER (60 na mag-aaral ang lumipat sa school based behavior support (SBBS) sites sa labas ng base), Mt. Spurr Elementary School sa JBER, at Abbott Loop Elementary School.
Ang limitadong mga mapagkukunan ng Distrito ay hindi sapat na matatag upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mga mag-aaral, at ang tensyon na ito ay lalong nakikita sa napakaliit na mga paaralan. Bagama't kinikilala ng Distrito ang mga pakinabang sa pagkakaroon ng maliliit na paaralan, hindi sinusuportahan ng Estado ang mga mapagkukunang kailangan para sa Distrito upang makapagbigay ng parehong antas ng akademikong serbisyo sa lahat ng paaralan. Ang mas mataas na bilang ng pinagsama-samang grado (combo) na mga klase, iilan na Full Time Employee (FTE) para sa mataas na pangangailangan ngunit kakaunting bilang ng kawani kumpara sa dami ng trabaho, at pagtaas ng ipinagpaliban na pagpapanatili ay naapektuhan lahat ng mga desisyon ng Estado na panatilihing pareho ang taon-taong pagpopondo sa edukasyon.
Sinimulan ng Administrasyon ang pagtatagubilin o rekomendasyon sa Rightsizing sa Lupon ng Paaralan noong Abril 2024. Mula noon, nagsagawa na ito ng siyam na pagtatagubilin, anim na kaganapan sa Community Conversation, at tatlong survey sa komunidad upang maging malinaw hangga't maaari.
Noong Nobyembre 4, 2024, nagbigay ang Administrasyon ng paunang listahan ng pitong paaralang inirerekomenda para sa pagsasara. Bilang karagdagan sa mga paaralang ito, tinalakay pa ng Administrasyon ang mga rekomendasyon na magpapahintulot sa mga bahagi ng ibang mga paaralan na muling gamitin para sa mga kritikal na pangangailangan tulad ng: Pre-K, potensyal para sa mga programa sa pangangalaga ng bata na gumana sa ilang mga paaralan, at pagbabawas ng mga naupahang pasilidad. Sa sumunod na ilang linggo ang Administrasyon ay nagsagawa ng mga pagpupulong sa Pag-uusap sa Komunidad kasama ang mga residente, magulang, at kawani ng 西施直播APP. Bilang karagdagan sa mga pagkakataong ito para sa pagbigay ng puna, pampubliko at nakasulat na komento sa mga pulong ng Lupon at maraming email ang nagbigay ng karagdagang impormasyon sa panahon ng pagsusuri ng bawat paaralan.
Bilang resulta ng patuloy na pagsusuri, ang Administrasyon ay nagrerekomenda ng tatlong paaralan na alisin mula sa unang listahan ng mga potensyal na pagsasara bilang bahagi ng plano ng Rightsizing:
- Bear Valley Elementary School: Ang karagdagang pagsusuri ay nagpasiya na ang Bear Valley Community Association (BVCA) ay nakakatugon sa mga pagsisikap sa muling layunin ng pasilidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang pangangalaga sa bata pati na rin ang makabuluhang pangangalaga bago at pagkatapos ng paaralan sa parehong antas ng elementarya at gitnang paaralan. Ang BVCA ay may mga plano na ganap na sakupin ang apat na bakanteng silid-aralan sa s chool y ear 2025 - 26, at anim na classroom sa school year 2026 - 27 habang pinapalawak nito ang mga pagkakataon sa pangangalaga ng bata.
- Tudor Elementary School: Kasama sa paunang plano ng pagsasara sa Tudor ang paglipat ng Montessori program na may 124 na estudyante sa Denali Montessori. Ang natitira sa mga mag-aaral ay lilipat sa Lake Otis Elementary School. Sa panahon ng mga pakikipag-usap at testimonya ng Community Conversations, naging maliwanag na ang malaking bilang ng mga mag-aaral ng Montessori ay malamang hindi pumunta sa Denali Montessori, ngunit sa halip ay pipiliin nilang magparehistro sa paaralang kapitbahayan, na magiging Lake Otis. Walang kapasidad ang Lake Otis na tanggapin ang lahat ng mga karagdagang mag-aaral na ito. Ang karagdagang pagsusuri, upang isama ang isa pang tumatanggap na paaralan, ay natukoy na ang paghawak ng mga detalye ng kuplikadong operasyon ay imposible, kaya ang paunang rekomendasyon ay hindi suportado.
- Wonder Park Elementary School: Ang unang pagpili ng Wonder Park ay dahil sa mababang pagpapatala at sa open space na disenyo nito. Sa karagdagang pagsusuri, natukoy na ang Wonder Park ay maaaring tumanggap ng lahat ng mga silid-aralan ng Pre-K mula sa Nunaka Valley Elementary School, na ganap na ginagamit ang kapasidad ng Wonder Park. Ang hakbang na ito ay magbibigay-daan din sa Nunaka Valley na maging ganap na magagamit muli para sa isa sa mga charter school ng Distrito.
Bukod pa rito, inirerekomenda ng Administrasyon na paliitin ang pangkalahatang plano ng pagsasara ng Rightsizing mula sa tatlong taon hanggang isa upang mabawasan ang epekto sa pag-iisip at emosyonal na kalagayan para sa mga paaralang nakalista sa mga darating na taon gamit ang isang mas maliit at napapapamahalaang mga yugto ng diskarte. Sa mas maliit na bilang ng mga paaralang apektado, ang Distrito ay maaaring epektibong suportahan ang paglipat ng apat na pagsasara ng mga paaralan sa isang taon. Ang apat na inirerekomendang paaralan ay inirerekomenda para sa pagsasara sa katapusan ng taong ito ng paaralan, sa Mayo 2025.
BUOD:
Malaking bilang ng mga kawani ng paaralan at puna ng komunidad ang nagpabatid sa desisyon ng Administrasyon na tanggalin ang tatlong paaralan mula sa unang listahan ng pitong paaralan na unang inirekomenda para sa pagsasara. Inirerekomenda din ng Administrasyon ang isang rebisyon ng paunang tatlong taon na plano at ngayon ay nagrerekomenda ng mga natitirang paaralan na magsara sa katapusan ng taong ito ng paaralan (2024/2025) upang mabawasan ang mga epekto sa paglalagay ng kawani ng paaralan at sa pag-iisip at emosyonal na kalagayan.
Ang Administrasyon at Lupon ng Paaralan ay patuloy na tatanggap ng mga puna mula sa komunidad hanggang sa magawa ang isang pormal na desisyon sa Rightsizing bago o makalipas, o sa 17 Disyembre, 2024. Ang Administrasyon ay magbibigay ng inirerekumendang plano sa muling paggamitpara sa bagong layunin para sa mga napiling paaralan pagkatapos ng winter holiday break.
JB/SG/JA
Inihanda ni: Jim Anderson, Chief Operating Officer
Inaprubahan ni: Sven Gustafson, Chief Academic Officer